Tuesday, November 30, 2010

Walong Utos ang mga Kasabihan ng mga Ninuno

Lean Carlo C. Ines                                                                                      December 1, 2010
Panpil 19/3rd Blog Entry
Walong Utos at Kasabihan ng mga Ninuno

1.         “Mag-ingat sa pagpili ng mga kakainin.” at “Dapat ipagbawal ang mga hindi nakakabuti sa ating katawan.”

Quote:
“The wise man should consider that health is the greatest of human blessings. Let food be your medicine." 
- Hippocrates

Pagsasalin:
Ang wais na tao ay dapat pagtuunan na ang kalusugan ay ang pinakamahalagang biyaya. Gawing medesina ang pagkain.

Bayograpiya:
Si Hippocrates of Cos or Hippokrates of Kos (ca. 460 BC – ca. 370 BC) ay isang sinaunang panahon na Griyego. Kilala siya bilang “Ama ng pangkanlurang medesina.” Siya ang nakatagpo ng “Hippocratic School of Medicine” na nagging importante sa pagusbong ng larangan ng medesina.
I
bang Ideya:
“Everything in excess is opposed to nature. “
Kahit anong sobra ay labag sa natural.
            Ayon sa aking pagkakaintindi, ang sinasabi niya dito ay huwag maging gamahan sa kahit anong bagay. Sobrang pagkain ay nakakasama, dahil nakakataba. Sobrang sex ay nakakasama dahil baka magsawa. Sobrang inom ay nakakasama, dahil baka masira ang atay.

Reference:

2.         “Dapat bantayan ang mga opisyal sa Gobyerno.”

Quote:
"A president's hardest task is not to do what is right, but to know what is right."
                                                                        - LYNDON Baines Johnson

Pagsasalin:
“Ang pinaka mahirap na tungkulin ng isang president ay hindi gawin kung ano ang tama, kundi ang alamin kung ano ang tama.”

Bayograpiya:
            Si Lyndon Baines Johnson(August 27, 1908 – January 22, 1973) ay kilala bilang ika-36 na presidente ng Estados Unidos. Bago pa ito, nanungkulan din siyang ika-37 na bise president, senador at “representative of Texas.”
            Bilang bise president ni John F. Kennedy, siya ang ginawang president pagkatapos sa pag patay ni JFK.           At sumunod ng pagtapos ng termino ni JFK ay hinalal din siya muli bilang president. Bumababa ang reputasyon niya dahil sa pagsuporta ng gyera sa Vietnam.

Ibang Ideya.
“Education is not a problem. Education is an opportunity.” 
And edukasyon ay hindi problema. Ito ay isang opurtunidad.
            Ang isang aplikasyon ng kasabihan nito ay para sa mga estudyanteng akala nila ay pinaparusahan sila ng mahihirap na gawain. Dapat ay tanggapin nila ito dahil ito ay pagkakataong matuto at mapabuti ang pagkatao gamit ang bagong karunungan. 


Reference:




3.         “Ituloy ang Laban ni Mayweather at Pacquiao.”

Quote:
“Fighting is essentially a masculine idea; a woman’s weapon is her tongue.”
                                                                        -Hermione Gingold

Pagsasalin:
“Ang pakikipaglaban ay tunay na panglalakeng ideya. Ang armas ng babae ay ang kanyang dila.”

Bayograpiya:
Si Hermione Gingold (9 December 1897 – 24 May 1987) ay isang Inglaterang artista. Kilala siya sa kanyang liysa sa kalagitnaang personalidad, at sa pagpapalalim ng kanyang boses. Siya ay kinilala sa entablado, sa radio, sa telebisyon at sa NBC na palabas na kung tawagin ay “Here’s Hollywood.”

Ibang Ideya:
“Anything that is white is sweet. Anything that is brown is meat. Anything that’s grey don’t eat.”
“Kahit anong maputi ay matamis, Kahit anong kulay kape ay karne. Kahit anong kulay grey ay huwag kainin.”
            Ang sinasabi lang dito ay kumain lamang ng pagkain na may natural ang kulay.

Reference:

4.         “Practical lamang ang premarital sex” at “Kailangan ang sex education ng kabataaan.”

Quote:
“The tragedy of sexual intercourse is the perpetual virginity of the soul.  ~William B. Yeats”      


Pagsasalin:
Ang trahedya ng pakikipagtalik ay ang pagwalang muwa ng kaluluha.
Bayograpiya:
            Si William Butler Yeats (13 June 1865 – 28 January 1939) ay isang irish na makata. Isa siya sa importante tao na nagtulak ng “Irish Literary Revival.” Siya rin ang isa sa mga naka tagpo ng Abbey Theatre. Nanungkulan din si Yeats bilang Senador. Siya ay kilala rin bilang unang “Irish” na taga tanggap ng parangal na “Nobel Prize in Literature.”    

Ibang ideya:
“Do not wait to strike till the iron is hot; but make it hot by striking.”
Huwag mong hintaying uminit ang bakal bago mo ito tirahin. Tirahin mo ito para uminit.
            Sinasabi lang dito ay dapat maging agresibo ka. Huwag ka maghintay ng mangyayari bago ka umakto. Magkaroon ka dapat ng sariling kusa.

Reference:

5.         “Nakakahinayaan ang karamihang Filipino Movies.”

Quote:
“And I don't think I'm giving away any secrets here, but there are a lot of terrible scripts in this town.”
--Frank Darabont

Pagsasalin:
Sa tingin ko ay hindi na ito sikreto, pero maraming pangit na skripto sa ating bayan.

Bayograpiya:
Si Frank Darabont (born January 28, 1959) ay isang Amerikanong director ng mga pelikula,”screen writer” at “producer.” Siya ay tinatangkilikan sapagkat nanalo siya ng tatlong “Academy Awards” at isang “Golden Globe Awards.” Ang mga kilalang pelikula na dinirektahan nya ay ang “The Shawshank Redemption,” “The Green Mile,” at ang “The Mist.”


Ibang ideya:
“I am fascinated with times past.” 
Ako ay natutuwa sa mga nalipasan na ng panahon.
            Sinasabi dito ay huwag kalimutan ang nakaraan dahil marami kang mapupulot dito.

Reference:

Pagsusuri ng blog ni Kenex Carl Mina

Lean Carlo C. Ines                                                                                                                                   November 31, 2010 
Panpil 19\ Pagsusuri sa blog entry ni Kenex Carl Mina

I.             Categorya

Pangkalusugan
a.            Ang aborsyon ay dapat ipagbawal.
b.            Dapat payagan ang pagtuturo ng Sex Education.
c.             Dapat ipaalam sa mga kapwa trabahador kung sino ang positibo sa HIV.
d.            Dapat ipagbawal ang paninigarilyo.

Kasal
a.            Hindi pwedeng ikasal ang isang tao sa kaparehong kasarian.
b.            Divorce: Hindi dapat tangkilikin ang “divorce”.
c.             Premarital Sex: Hindi dapat ito ginagawa at di dapat subukan.
d.            Family Planning: Dapat ginagawa ng isang pamilya ang family planning.


Relihiyon
a.            Islam: Hindi dapat iba masama ang pagtingin sa mga Muslim.
b.            Diyos: Pinakamakapangyarihan sa lahat ang Diyos.
c.             Bible : Dapat  basahin ng tao ang bibleya.
d.            religious leaders sa pulitika: Hindi dapat sumali sa pulitika ang mga pinuno ng relihiyon.

Mga Kilalang Tao
a.            Pacquiao: Magaling at mabuting Pilipino si Pacquiao.
b.            Ferdinand Marcos: Hindi lahat ng kanyang ginawa sa kanyang panunungkulan ay nakasama sa bayan.

Academiya
a.            Pag-aaral sa UP: Dapat magaral ng mabuti ang estudyante ng UP.
b.            Pangongopya: Hindi dapat mangopya ng sago tang estudyante.

Moralidad
a.            Age Discrimination: Dapat pantay lang ang pagtrato sa kapwa trabahador sa kahit anong edad.
b.            Bribery: Hindi dapat payagang ang bribery.
c.             Money: Hindi ito lagging nakakasama.
d.            Teknolohiya: Dapat ayusin ang paggamit ng teknolohiya.
e.            Video Games: Dapat bawasan ang mga bayolenteng video games.


Kalikasan
a.            Organic Farming: Supportahin natin ang organic farming.
b.            Global Warming: Dapat hindi palalain ang Global Warming.

II.            Sinasalungat
1.            Sabi niya dapat ipagbawal ang kasalan ng dalawang taong pareho ang kasarian. Sinasalungat ko ito dahil sa relihiyon lamang nakabatay ang pagpapabawal nito. Kung sa batas naman ay dahil wala pang ganitong batas. Pero kung sa tao lang mismo, may karapatan tayong pumili kung sino ang gusto nating makasama pang habang buhay.
2.            Sabi niya ay hindi gawin ang pre-marital sex. Sinasalungat ko ito dahil ito ay natural lamang sa dalawang nagmamahalan. At higit sa lahat dito mo rin makikita kung bagay nga kayo sa isa’t isa.
3.            Sabi niya hindi tama na sumali ang mga pinuno ng relihiyon sa pulitika. Sinasalungat ko ito dahil kahit sino ay may karapatang maging pinuno ng bansa, kahit boksingero pa. Ang kakayahan ng tao ay likas sa kanya. Hindi ito naapektuhan ng kanyang  titulo. Kung siya ay karapat dapat mamuno at makakabuti sa lipunan, ay tama lang na mamuno siya kahit ano pa ang pinanggalingan niya.

III.           Mga Susi Salita
1. pahintuloy/pahintulutan
2. tao
3. sama
4.tulong
5. “sex”
6. buhay
7. relihiyon

IV.          Walong kautusan
1.            Huwag katakutan ang mga Muslim bilang pangkalahatan.
2.            Ang paninigarilyo ay dapat ipagbawal.
3.            Ang “bribery” ay hindi dapat ginagawa.
4.            Ang bibleya ay dapat basahin ng tao.
5.            Ang estudyante ay hindi dapat mangopya ng sagot.
6.            Ang kasal lang ang pinahihintulutang makipagtalik.
7.            Tayo ay huwag gumawa ng aktibidad na makakalala sa “Global Warming.”
8.            Ang pagpapakasal sa dalawang taong pareho ang kasarian ay ipagbawal.




Tuesday, November 23, 2010

Ang Unang Post

  1. Sigarilyo : Dapat ito mahigpit na malimitahan kung di kayang ipagbawal.
    1. Ito ay nakakapinsala hindi lamang sa gumagamit nito pati na rin sa mga taong nasa paligid nya.
    2. Mahal ang gastos pag nagkasakit ka dito.
    3. Nakakasira ito ng imahe ng isang tao, dahil ang tingin sa kanya ay madumi at mabaho.
  2. MMDA urinal : Dapat ayusin ang pamamalakad dito.
    1. Nakakasira ng araw ang amoy nito dahil kahit ilang metro na ang layo mo ay may anghit pa rin lalo na sa mga sakayan.
    2. Nagkaipon ipon na dito ang mga dumi ng ibat ibang tao na maaring nagdadala ng sakit.
    3. Maliban sa hindi na malinis, may butas na rin ang daluyan ng ihi patungo sa kalsada.
  3. local buses : Disiplinahan ang mga nagmamaneho.
    1. Marami na ang nasawi dahil sa mga kas-kaserong tsuper.
    2. Ang karamihan pa sa mga nakakasagasa ay iniiwan lang ang nabiktima.
    3. Karamihan pa sa mga bus ay nagpapaandar habang may bumababa pa.
  4. Street Foods : Mag-ingat sa pagkain ng “street food.”
    1. Hindi ka ba nagtataka na minsan ay may lalagyan ng nagamit nang “bbq- stick?” Mabuti daw mag-reksiklo.
    2. Minsan ay pagkatapos ng unang kagat ng ibang kumakain ay mag-sasawsaw ulit.
    3. Pwede kang magka-Polio o kaya Hepatitis sa pagkain nito.
  5. Isaw : Kadiri!
    1. Subukan mong pakainin ng isaw ang pusa, lalo na yung mga naalagaan. Hindi nila ito kakainin.
    2. Isipin mo na lang kung ano ang nakain ng baboy. Tae!
    3. Ang baho ng pinaglulutan nito, lalo na yung de-prito na isaw.
  6. Pating : Ayaw ko sa kanila.
    1. Nakakatakot ang pating, kahit pa sabihin nilang mas-takot sila sa atin.
    2. Sa kadiliman ng malalim na dagat, pating lang ang inaalala ko.
    3. Pati pagkain ng pating ayaw ko, dahil baka nakakain na rin ito ng tao.
  7. Condom : Kailangan ng malawakang kaalaman sa paggamit nito.
    1. Kung umabot na ang populasyon natin ng siyam na milyon mahigit, paano pa kaya kung walang condom.
    2. Mura lang ang condom kumpara sa pagaalaga ng anak.
    3. Dahil sa condom di na natin masyado kakatakutan ang AIDS.
  8. Sex Education : Kailangan ito ng kabataan.
    1. Baka kasi maraming hindi alam kung ano mangyayari pag nakipag talik tulad na lang ng pagbubuntis.
    2. Baka rin maraming may hindi alam tungkol sa sakit na maaring makuha sa pakikipagisang dibdib.
    3. Mabuti nang matanda ang magturo imbis na magturuan ang mga bata.
  9. Jollibee vs McDo : Jollibee ang panalo.
    1. Unang una ay hindi masarap ang burger McDo.
    2. Masmasarap ang longganisa ng Jollibee kaysa sa McDo.
    3. Maraming takot sa payaso o naiirita sa mga payaso.
  10. Filipino Movies : Nakakahinayaan ang karamihan dito.
    1. Paulit-ulit na lang ang estilo ng kwento.
    2. Ang korni minsan ng mga komedya.
    3. Kahit ano na lang ginagawan ng pelikula basta pang masa. Parang hindi masyado pinaghahandaan.
  11. Pagtratrabaho sa ibang Bansa : Dito ka na lang sa Pinas.
    1. Mapapalayo ka sa mga mahal mong walang pamasahe pang abroad.
    2. Sayang lang kung hindi ka mapapakinabangan ng sarili mong bansa.
    3. Bumababa ang tingin ng ibang bansa sa atin dahil sa pagpapadala natin ng maraming katulong ay nagiging katulong na rin ang imahe ng Pilipino.
  12. Alak : Tigilan na natin ang paginom.
    1. Nawawala sa tamang pagiisip ang isang tao pag nalaseng at maaring makagawa ng hindi mabuti.
    2. Kung tutuusin ay para lang din itong droga.
    3. Imbis na harapin ang problema minsan ay dinadaan na lang sa pagiinom na walang ikinabubuti.
  13. Instant Noodles : Hindi ito dapat pinagkakagastusan.
    1. Wala ito masyadong sustansiya.
    2. Hindi naman totoo minsan ang nakasaad na lasa nito.
    3. Ito ay nakakataba dahil sa mura ito at di nakakabusog ang isang pack. Mapaparami ka sa pagkain nito.
  14. Street Vendors : Dapat ay mahanapan sila ng wastong pwesto.
    1. Hindi na kaaya-aya ang itsura ng mga kalsada sa dami ng street vendors.
    2. Minsan ay di mo na maipagkaiba ang street vendor sa isang nakaabang na “snatcher.”
    3. Nakakadagdag sila sa pagkakabuhol buhol ng daloy ng trapiko.
  15. Traffic Enforcers : Mahigpit na bantayan sila.
    1. Puro na lang silang pangongotong dahil hinahayaan lang natin sila.
    2. Karamihan sa kanila ay nakatambay lang sa tabi imbis na gumawa ng tunay na serbisyo.
  16. Lotto : Hindi maiiwasan ng tao ang pagtaya dito.
    1. Dahil laganap ang paniniwala sa pagkaswerte.
    2. Gusto ng tao ang pakamit ng malaking biyaya sa maliit na presyo, tulad na lang ng murang ticket.
    3. Libre lang mangarap.
  17. Premarital Sex : Ito ay practical lamang.
    1. Mainam na malaman mo ang tunay na sekswalidad mo bago ka pa ikasal, dahil baka makagawa ka lang ng maling desisyon.
    2. Maliban sa unang punto ay dapat mo na rin malaman kung kumportable ka sa pakikipagtalik sa kalaguyo mo bago kayo ikasal.
  18. Facebook : Masamang bisyo ang Facebook.
    1. Mahirap pagkatiwalaan ang mga tao dito na hindi mo naman talaga kilala na basta na lang “nag-aadd.”
    2. Madaling kumalat ang impormasyong kahit pa yung tinatago dito.
    3. Marami nang narape dahil sa pakikipag kilala sa facebook.
  19. Pagsusugal : Hindi ito nakabubuti.
    1. Hindi mo makakamit ang kasiyahan ng pagsusumikap.
    2. Wala kang makukuha ditong katahimikan ng kalooban dahil walang ka ditong seguridad.
    3. Makakaubos din ito ng oras na sana ay ginamit na lang sa masmakubuluhang aktibidad.
  20. Prostitusyon : Dapat ito ay puksain ng gobyerno.
    1. Ito ay isang aktong pagwawalang respeto sa katawan ng mga babae. Isipin mo na lang ang mga kapamilya mo.
    2. Nagigi itong sanhi ng pagkalat ng mga sakit galing sa pakikipagtalik.
    3. Baka ito gawing batayan ng mga sumusunod na herenasyon at kanilang gayahin.
  21. Pagmamalimos : Dapat magawan ng tamang aksyon para ito ay mapigilan.
    1. Hindi sila matututong maghanap buhay, lalo na yung mga bata.
    2. Dilikado sa kanila ang pagpapalaboy sa kanto lalo na sa mga bata na maaring masagasaan.
    3. Nakakdagdag lang din sila sa trapiko.
  22. Hindi paglaban ni Mayweather kay Pacquiao : Sana ay pumayag na si Mayweather.
    1. Kung may tunay na “pride” si Mayweather ay hindi niya aatrasan dapat si Pacquiao.
    2. Tunay na masasabi dito kung sino talaga ang pinakamagaling sa kanilang lahat.
    3. Wala nang ibang kalaban na nararapat itapat kay Pacquiao.
  23. BT Corn : Ligtas ang BT Corn.
    1. Mahuhusay na sayantipiko ang sumusuri dito kaya hindi dapat pagkaabalahan.
    2. Mahahabang panahon ang inilalaad sa pagsusuri dito.
    3. Iba't ibang uri ng pagsusubok ang idinadaan dito para masiguradong ligtas.