- Sigarilyo : Dapat ito mahigpit na malimitahan kung di kayang ipagbawal.
- Ito ay nakakapinsala hindi lamang sa gumagamit nito pati na rin sa mga taong nasa paligid nya.
- Mahal ang gastos pag nagkasakit ka dito.
- Nakakasira ito ng imahe ng isang tao, dahil ang tingin sa kanya ay madumi at mabaho.
- MMDA urinal : Dapat ayusin ang pamamalakad dito.
- Nakakasira ng araw ang amoy nito dahil kahit ilang metro na ang layo mo ay may anghit pa rin lalo na sa mga sakayan.
- Nagkaipon ipon na dito ang mga dumi ng ibat ibang tao na maaring nagdadala ng sakit.
- Maliban sa hindi na malinis, may butas na rin ang daluyan ng ihi patungo sa kalsada.
- local buses : Disiplinahan ang mga nagmamaneho.
- Marami na ang nasawi dahil sa mga kas-kaserong tsuper.
- Ang karamihan pa sa mga nakakasagasa ay iniiwan lang ang nabiktima.
- Karamihan pa sa mga bus ay nagpapaandar habang may bumababa pa.
- Street Foods : Mag-ingat sa pagkain ng “street food.”
- Hindi ka ba nagtataka na minsan ay may lalagyan ng nagamit nang “bbq- stick?” Mabuti daw mag-reksiklo.
- Minsan ay pagkatapos ng unang kagat ng ibang kumakain ay mag-sasawsaw ulit.
- Pwede kang magka-Polio o kaya Hepatitis sa pagkain nito.
- Isaw : Kadiri!
- Subukan mong pakainin ng isaw ang pusa, lalo na yung mga naalagaan. Hindi nila ito kakainin.
- Isipin mo na lang kung ano ang nakain ng baboy. Tae!
- Ang baho ng pinaglulutan nito, lalo na yung de-prito na isaw.
- Pating : Ayaw ko sa kanila.
- Nakakatakot ang pating, kahit pa sabihin nilang mas-takot sila sa atin.
- Sa kadiliman ng malalim na dagat, pating lang ang inaalala ko.
- Pati pagkain ng pating ayaw ko, dahil baka nakakain na rin ito ng tao.
- Condom : Kailangan ng malawakang kaalaman sa paggamit nito.
- Kung umabot na ang populasyon natin ng siyam na milyon mahigit, paano pa kaya kung walang condom.
- Mura lang ang condom kumpara sa pagaalaga ng anak.
- Dahil sa condom di na natin masyado kakatakutan ang AIDS.
- Sex Education : Kailangan ito ng kabataan.
- Baka kasi maraming hindi alam kung ano mangyayari pag nakipag talik tulad na lang ng pagbubuntis.
- Baka rin maraming may hindi alam tungkol sa sakit na maaring makuha sa pakikipagisang dibdib.
- Mabuti nang matanda ang magturo imbis na magturuan ang mga bata.
- Jollibee vs McDo : Jollibee ang panalo.
- Unang una ay hindi masarap ang burger McDo.
- Masmasarap ang longganisa ng Jollibee kaysa sa McDo.
- Maraming takot sa payaso o naiirita sa mga payaso.
- Filipino Movies : Nakakahinayaan ang karamihan dito.
- Paulit-ulit na lang ang estilo ng kwento.
- Ang korni minsan ng mga komedya.
- Kahit ano na lang ginagawan ng pelikula basta pang masa. Parang hindi masyado pinaghahandaan.
- Pagtratrabaho sa ibang Bansa : Dito ka na lang sa Pinas.
- Mapapalayo ka sa mga mahal mong walang pamasahe pang abroad.
- Sayang lang kung hindi ka mapapakinabangan ng sarili mong bansa.
- Bumababa ang tingin ng ibang bansa sa atin dahil sa pagpapadala natin ng maraming katulong ay nagiging katulong na rin ang imahe ng Pilipino.
- Alak : Tigilan na natin ang paginom.
- Nawawala sa tamang pagiisip ang isang tao pag nalaseng at maaring makagawa ng hindi mabuti.
- Kung tutuusin ay para lang din itong droga.
- Imbis na harapin ang problema minsan ay dinadaan na lang sa pagiinom na walang ikinabubuti.
- Instant Noodles : Hindi ito dapat pinagkakagastusan.
- Wala ito masyadong sustansiya.
- Hindi naman totoo minsan ang nakasaad na lasa nito.
- Ito ay nakakataba dahil sa mura ito at di nakakabusog ang isang pack. Mapaparami ka sa pagkain nito.
- Street Vendors : Dapat ay mahanapan sila ng wastong pwesto.
- Hindi na kaaya-aya ang itsura ng mga kalsada sa dami ng street vendors.
- Minsan ay di mo na maipagkaiba ang street vendor sa isang nakaabang na “snatcher.”
- Nakakadagdag sila sa pagkakabuhol buhol ng daloy ng trapiko.
- Traffic Enforcers : Mahigpit na bantayan sila.
- Puro na lang silang pangongotong dahil hinahayaan lang natin sila.
- Karamihan sa kanila ay nakatambay lang sa tabi imbis na gumawa ng tunay na serbisyo.
- Lotto : Hindi maiiwasan ng tao ang pagtaya dito.
- Dahil laganap ang paniniwala sa pagkaswerte.
- Gusto ng tao ang pakamit ng malaking biyaya sa maliit na presyo, tulad na lang ng murang ticket.
- Libre lang mangarap.
- Premarital Sex : Ito ay practical lamang.
- Mainam na malaman mo ang tunay na sekswalidad mo bago ka pa ikasal, dahil baka makagawa ka lang ng maling desisyon.
- Maliban sa unang punto ay dapat mo na rin malaman kung kumportable ka sa pakikipagtalik sa kalaguyo mo bago kayo ikasal.
- Facebook : Masamang bisyo ang Facebook.
- Mahirap pagkatiwalaan ang mga tao dito na hindi mo naman talaga kilala na basta na lang “nag-aadd.”
- Madaling kumalat ang impormasyong kahit pa yung tinatago dito.
- Marami nang narape dahil sa pakikipag kilala sa facebook.
- Pagsusugal : Hindi ito nakabubuti.
- Hindi mo makakamit ang kasiyahan ng pagsusumikap.
- Wala kang makukuha ditong katahimikan ng kalooban dahil walang ka ditong seguridad.
- Makakaubos din ito ng oras na sana ay ginamit na lang sa masmakubuluhang aktibidad.
- Prostitusyon : Dapat ito ay puksain ng gobyerno.
- Ito ay isang aktong pagwawalang respeto sa katawan ng mga babae. Isipin mo na lang ang mga kapamilya mo.
- Nagigi itong sanhi ng pagkalat ng mga sakit galing sa pakikipagtalik.
- Baka ito gawing batayan ng mga sumusunod na herenasyon at kanilang gayahin.
- Pagmamalimos : Dapat magawan ng tamang aksyon para ito ay mapigilan.
- Hindi sila matututong maghanap buhay, lalo na yung mga bata.
- Dilikado sa kanila ang pagpapalaboy sa kanto lalo na sa mga bata na maaring masagasaan.
- Nakakdagdag lang din sila sa trapiko.
- Hindi paglaban ni Mayweather kay Pacquiao : Sana ay pumayag na si Mayweather.
- Kung may tunay na “pride” si Mayweather ay hindi niya aatrasan dapat si Pacquiao.
- Tunay na masasabi dito kung sino talaga ang pinakamagaling sa kanilang lahat.
- Wala nang ibang kalaban na nararapat itapat kay Pacquiao.
- BT Corn : Ligtas ang BT Corn.
- Mahuhusay na sayantipiko ang sumusuri dito kaya hindi dapat pagkaabalahan.
- Mahahabang panahon ang inilalaad sa pagsusuri dito.
- Iba't ibang uri ng pagsusubok ang idinadaan dito para masiguradong ligtas.
Tuesday, November 23, 2010
Ang Unang Post
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment