Lean Carlo C. Ines November 31, 2010
Panpil 19\ Pagsusuri sa blog entry ni Kenex Carl Mina
I. Categorya
Pangkalusugan
a. Ang aborsyon ay dapat ipagbawal.
b. Dapat payagan ang pagtuturo ng Sex Education.
c. Dapat ipaalam sa mga kapwa trabahador kung sino ang positibo sa HIV.
d. Dapat ipagbawal ang paninigarilyo.
Kasal
a. Hindi pwedeng ikasal ang isang tao sa kaparehong kasarian.
b. Divorce: Hindi dapat tangkilikin ang “divorce”.
c. Premarital Sex: Hindi dapat ito ginagawa at di dapat subukan.
d. Family Planning: Dapat ginagawa ng isang pamilya ang family planning.
Relihiyon
a. Islam: Hindi dapat iba masama ang pagtingin sa mga Muslim.
b. Diyos: Pinakamakapangyarihan sa lahat ang Diyos.
c. Bible : Dapat basahin ng tao ang bibleya.
d. religious leaders sa pulitika: Hindi dapat sumali sa pulitika ang mga pinuno ng relihiyon.
Mga Kilalang Tao
a. Pacquiao: Magaling at mabuting Pilipino si Pacquiao.
b. Ferdinand Marcos: Hindi lahat ng kanyang ginawa sa kanyang panunungkulan ay nakasama sa bayan.
Academiya
a. Pag-aaral sa UP: Dapat magaral ng mabuti ang estudyante ng UP.
b. Pangongopya: Hindi dapat mangopya ng sago tang estudyante.
Moralidad
a. Age Discrimination: Dapat pantay lang ang pagtrato sa kapwa trabahador sa kahit anong edad.
b. Bribery: Hindi dapat payagang ang bribery.
c. Money: Hindi ito lagging nakakasama.
d. Teknolohiya: Dapat ayusin ang paggamit ng teknolohiya.
e. Video Games: Dapat bawasan ang mga bayolenteng video games.
Kalikasan
a. Organic Farming: Supportahin natin ang organic farming.
b. Global Warming: Dapat hindi palalain ang Global Warming.
II. Sinasalungat
1. Sabi niya dapat ipagbawal ang kasalan ng dalawang taong pareho ang kasarian. Sinasalungat ko ito dahil sa relihiyon lamang nakabatay ang pagpapabawal nito. Kung sa batas naman ay dahil wala pang ganitong batas. Pero kung sa tao lang mismo, may karapatan tayong pumili kung sino ang gusto nating makasama pang habang buhay.
2. Sabi niya ay hindi gawin ang pre-marital sex. Sinasalungat ko ito dahil ito ay natural lamang sa dalawang nagmamahalan. At higit sa lahat dito mo rin makikita kung bagay nga kayo sa isa’t isa.
3. Sabi niya hindi tama na sumali ang mga pinuno ng relihiyon sa pulitika. Sinasalungat ko ito dahil kahit sino ay may karapatang maging pinuno ng bansa, kahit boksingero pa. Ang kakayahan ng tao ay likas sa kanya. Hindi ito naapektuhan ng kanyang titulo. Kung siya ay karapat dapat mamuno at makakabuti sa lipunan, ay tama lang na mamuno siya kahit ano pa ang pinanggalingan niya.
III. Mga Susi Salita
1. pahintuloy/pahintulutan
2. tao
3. sama
4.tulong
5. “sex”
6. buhay
7. relihiyon
IV. Walong kautusan
1. Huwag katakutan ang mga Muslim bilang pangkalahatan.
2. Ang paninigarilyo ay dapat ipagbawal.
3. Ang “bribery” ay hindi dapat ginagawa.
4. Ang bibleya ay dapat basahin ng tao.
5. Ang estudyante ay hindi dapat mangopya ng sagot.
6. Ang kasal lang ang pinahihintulutang makipagtalik.
7. Tayo ay huwag gumawa ng aktibidad na makakalala sa “Global Warming.”
8. Ang pagpapakasal sa dalawang taong pareho ang kasarian ay ipagbawal.
No comments:
Post a Comment